Linggo, Nobyembre 20, 2016

Global Warming: Ang Problema ng Mundo

Global Warming: Ang Problema ng Mundo

    Sa ating mundo ay maraming pagbabago ang nagaganap katulad ng pagkakaroon ng “global warming”. Ang global warming ay ang pagtaas ng temperatura ng mundo dulot ng malakas na paggamit ng carbon dioxide, chlorofluorocarbon at iba pang pollutants na may matinding epekto sa ating kapaligiran.

   Batay sa isang blogspot na kinumentaryohan ni Ronraf sa anobaangglobalwarming.blogspot.com,ang lahat ng bagay sa mundo ay nagbabago kagaya na lamang ng ating panahon kaya naman ang bawat nilalang ng Diyos ay kinakailangan na makisama sa naturang kalagayan ng mundo.

  Ayon sa website na  www.gabaykaalaman.com , ang mga sanhing nabuo sa pagkakaroon ng global warming ay ang  sobrang pagbuga ng carbon dioxide na  nagmumula sa usok ng mga sasakyan at mga pabrika katulad ng pagawaan ng tsinelas.  Madalas na pagputol at pagsunog ng mga kahoy sa kagubatan. Ang mga kahoy sa gubat ay maraming pwedeng paggamitan tulad ng paggawa ng iba’t ibang imprastraktura ng bayan. Paggamit ng insecticide at pesticide. Ang sobrang paggamit nito ay nagdudulot  ng  maraming sakit sa mga tao kagaya ng pagsusuka at pagkahilo.Isa pang dahilan ay ang paglaki ng populasyon ng  tao sa mundo. Ang lumalaking populasyon natin ang pinakasanhi sa lahat ng di kanais-nais na pangyayari. Sapagkat kapag dumadami ang populasyon maraming demand ng mga sasakyan , gusali at mga indusriya na nakakasira sa ating kalikasan.

 Kung susuriin natin ang sanhing nabanggit ito ay may kaakibat na epekto na ibabalik sa atin ng kalikasan. Ayon naman sa https://theannexmatters.wordpress.com/2011/09/23/ang-global-warming-at-epekto-nito-sa-bansa/.Narito ang mga sumusunod na epekto. Dahil sa pabago-bagong panahon, ang kalusugan ng mga tao ang unang tinatamaan nito kung saan maraming sakit ang nangingibabaw tulad ng skin cancer, lagnat, sipon, ubo at iba pa. Ang mga hayop ay namamatay dahil sa sobrang init, ang karagatan ay mas lalong lumalaki dulot ng pagtunaw ng mga yelo sa mga lugar na malalamig at pagdagsa ng malalakas na bagyo.

   Ang pangyayaring iyan ay nagmula sa ibat-ibang aspekto na mismong tayong mga tao ang may kagagawan,(http://smkalammegah.wordpress.com/category/extra-facts/) kasama na rito ang pagtaas ng karaniwang taas ng dagat at pagbabago sa dami ng mga pag-ulan. Ang mga pagbabagong ito ay sinasabing magpaparami sa dalas at lakas ng mga mapanirang kalagayan ng panahon tulad ng baha, tag-tuyot, bugso ng init (heat waves), bagyo at buhawi. Ito ang pinakaproblema na kinakaharap natin sa kasalukuyan. Ito ay nangangailangan ng maayos at organisadong solusyon bago pa mahuli ang lahat.

Isinulat ni:

Mikee Seladis

Sabado, Nobyembre 19, 2016

Teknolohiya: Noon at Ngayon

NI: MARIGOLD E. CLAVO

         Ang teknolohiya ay masasabing isa sa paraan ng pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa pag lunas ng mga suliranin ng mga tao. Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhenyeriya.
          Noong unang panahon hindi pa gaanong maunlad ang teknolohiya. Marami pa rin na mga gawain ang ginagawa sa proseso ng mano-mano. Sa kasalukuyan marami na an gang naiimbento para mas maging madali ang mga gawain ng tao. Bukod sa kompyuter, na imbento na rin ang washing machine na ginagamit sa paglalaba, ang rice cooker para sa pag sasaing at higit sa lahat ang cellphone para mapadali ang pakikipag komunikasyon ng mga tao.
          Noon ang mga mag-aaral ay hirap na hirap sa pag-aaral dahil wala pang kompyuter. Pumupunta pa sila sa mga silid-aklatan at humihiram ng napakaraming libro para lamang maka pag rebyu kapag may pagsusulit.Pero sa ngayon , nakaimbento na ng kompyuter, ang mga mag-aaral ay hindi na nahihirapan para makahanap sila ng mga impormasyon sa kanilang pag-aaral at dahlia na rin ito sa tulong ng internet.
          Napakalaki ng pagbabago ng teknolohiya sa ngayon kumpara noon. Noon unang panahon wala pang cellphone, gumagamit lamang sila ng dahon at tela na kanilang sinusulatan ng mensahe hanggang sa nakagawa sila ng papel na kanilang sulatan at nagkaroon na rin ng mga mensahero na siyang nagdadala ng mga sulat.
          Sa panahon ngayon, napakalawak ang pinagbago ng teknolohiya sa edukasyon. Isa na rito ang praktikal na teleskopyo na nagsilbing mahalagang instrument sa mga mag-aaral ng astronomiya. Sunod dito ay ang makinalya nag nagbigay daan para sa hustong pagbabago ng sistema ng pagtuturo kung saan mas napapabilis at epektibo ang pagbuo ng mga basahin. Na imbento rin ang prodyektor kung saan ito ay madalas gamitin ng mga estudyante o sa pagpupulong.Sa makabagong panahgon ngayon, ang pinakamalawak at pangunahing instrument sa ginagamit sa edukasyon ay ang mga kompyuter.
          Sa paglipas ng panahon , nagkaroon tayo ng globalisasyon kung saan patuloy na umaangat ang ating teknolohiya , at sa mabilis na pagsulong ng teknolohiya masasabing nakasabay na tayo sa kaunlaran at makabagong teknolohiya ng maunlad na bansa.


                                          www.hermosa.gov.ph/-bagong-teknolohiya
docs:askiver.com/ano-ang-pinagkaiba-ng-teknolohiya-noon at ngayon
hightechna .com/2013

https://tl.wikepedia.org/org/wiki/teknolohiya